John Lennon at Paul McCartney ay masasabi nating mga henyo sa pagsusulat ng mga well crafted songs ika nga. Ang mga lyrics ay simple pero rock. Ang mga tema ay universal. Sari sari at di naka-umay kahit pa ulit-ulitin. Magagaling din humawak ng instruments ang apat na mamang ito. Nagkaroon ng lalim ang bass playing sa mga latter albums ng Beatles. Di rin maikaka-ilang malupet sa rhythm guitars sina Lennon at Harrison. Magaling din sa lead ang pinakabatang Beatles na si George Harrison. Siya din ang nag-introduce sa banda nila ng eastern music. Nagustuhan nya ang sitar nung shooting ng kanilang 2nd film na Help. Isama mo pa yung malupit na areglo ng kanilang producer George Martin sa bawat masterpieces na kanta sa bawat nilabas nilang albums. Walang panapon. Puro masarap sa tenga.
Pakinggan niyo na lang yung White Album, Rubbersoul or Revolver. Tapos isabay nyo na rin ung Sgt Pepper's Lonely Hearts Club Band album.Tapos pakinggan nyo yung Abbey Road. Tapos matulog kayo ng mahimbing at pagkagising eh makinig ulet ng entire catalogue ng banda. Swabe pa rin kahit ulitin nyo. :)
Kahit nung solo years na ng apat na band members ay prolific pa rin sila sa pagsusulat ng makabuluhang mga kanta. Naging anthemic pa nga ung mga solo efforts nina Lennon (Imagine), McCartney (Band on the Run) at Harrison (All things Must Pass) .
2. Super panalo sa pormahan. Check nyo na lang ang mga pikyurs na kasama sa post ko. Cool silang lahat.
3. Magaling sumagot sa mga press interviews. Witty and charming. Yang ang pamatay na katangian ng banda lalo na nung peak ng kasikatan pa nila.
4. Solid pa rin ang samahan ng banda. Kahit na noong nagka-watak watak sila may mga communication pa rin between the members kahit papaano. Hanggang ngayon makikita pa rin yung supportan ng remaining Beatles na sina Paul and Ringo sa isa't isa.