![]() |
Saint Gabriel Academy, Batch '89 here. |
Nung grade school din ako sa St. Gabriel Academy tuwing magsisimula ang school year, laging pumapalag ang bulsa ng erpats ko sa gastusin sa mga school fees, partikular na sa tuiton at school materials. Alam ko yun kaya naman pinahahalagahan ko ung mga libro ko noon. tuwang tuwa ako pag nakita ko na ung set ng libro ko noon. Parang sniper yung mata ko sa pagsipat ng mga titulo nila hanggang sa ma-lock in na ung target ko sa paborito ko: yung mga Literary books. Yung mga world literature. Mahilig ako magbasa ng mga yun pero ewan ko, pinilit ko dati pero talagang di ako nahilig na magbasa ng mga nobela. gusto ko kasi yung mga true-to-life kagaya ng Xerex. Siryoso, mas gusto kong basahin yung mga biographies.
Mistulang mga rare masterpieces at works of art yung hawak ko noon na Superman,Spiderman, Batman,Legion of Superheroes, the Avengers, Justice League of America,Uncanny X-Men at marami pang iba. Tuwang tuwa ako pag may mga malupit na titles akong nakukuha. Di ko ko madiscribe yung nadarama ko nung nabasa ko yung DC's CRISIS ON INFINITE EARTHS, MAN OF STEEL SERIES NI JOHN BYRNE, yung MARVEL VS DC, Marvel's SECRET WARS at yung DEATH OF SUPERMAN. Feeling ko ang yaman yaman ko. Isang mayamang tao na may-ari ng maraming historically rare possessions !

Sa sobrang hilig ko noon pati sa drawing na-addict ako.Walang araw na ginawa ng Diyos na hinde ako nagsayang ng papel sa kakaguhit ng cartoons! Grade One ako nang makilala ko yung pinaka-una kong mga tropa sina Rommel (nalimutan ko na yung apelyido) at Micheal Sevilla. Dun ako natutong magdrawing ng superman na korteng nalantang bulaklak. Basta. Ganun. Pero magaling ako.Hanggang nag-highschool ako sa Notre Dame of Greater Manila, marami rin naman akong pinalanunang art contest.
![]() |
notre dame de manila |
Naalala ko rin noong 2001, naging writer din ako sa local publishing company, sa ATLAS. First script ko noon (title:Telebisyo, isang horror story na napublish sa Hiwaga Komiks, masaya kasi cover story kaagad ! Si Lan Medina yung nagdibuho ng cover.
Ayun.
Hanggang mag-College tuloy-tuloy pa rin yung pagkahilig kong magbasa.
favorite books:
1. Last Days of John Lennon by Frederick Seaman. Sa tingin ko kung meron ka nung THE LOVE YOU MAKE ni Peter Brown, LOVING JOHN ni May Pang at netong librong to, parang alam mo na rin ang kumpletong buhay ni John Lennon at ng The Beatles hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang paghinga. Kung gusto nyo namang malaman yung buhay ng The Beatles pinakamalupit na siguro na mababasa nyo ay yung autobiography nila na The Beatles Anthology Book.
2. Rich Dad Poor Dad ni Robert Kiyosaki - magandang i-analyse ung mga principles neto sa paghawak ng pera. Kung pano eto pwedeng magtrabaho para sa akin at di yung the other way around. Di na importante kung totoong may rich dad nga siya na ama ng kaibigan nya na kino-compare niya sa biological father niya, ang importante eh yung mga lessons na ibinahagi ni Kiyosaki sa akin.
3. How to Win Friends and Influence People at How to Stop Worrying and Start Living ni Dale Carnegie. Tama. Pinatos ko din yung mga self-help books partikular na tong Dalawang libro na to ni Pareng Dale.
4. Art of War ni Sun Tzu. di ko pa tapos basahin pero mukhang ok to. malupit at walang awa. Basta.
5. Flashbacks ni Timothy Leary. Nabili ko sa thrift shop sa Cubao. Sarap basahin pag wala akong ginagawa at di ko alam ang gagawin ko sa buhay.Para saken Mad Genius si Leary.
6. Soul on Ice ni Eldridge Cleaver.Parang kabisado ko na yung Folsom Prison matapos kong basahin to at yung Flashbacks ni Leary.
7. Holy Blood,Holy Grail - Unti-unti kong binasa to. Basahin nyo rin. Hirap i-explain e. Marami nang nagpatayan dahil sa religion. Pero ano nga ba ang katotohanan?
8. Trump: Art of the Deal - Parang Art of War,pero yung laban eh sa business strategies. Kinuwento ni Trump kung pano niya inumpisahan yung Trump Empire niya.
9. The Doors of Perception/Heaven and Hell ni Aldous Huxley. There's more than meets the eye, nuff said.
No comments:
Post a Comment