Sunday, March 3, 2013

Quiapo Explosion Sonic Experience of the 90's




Andaming naglalaro sa isip ko ngayon. Parang may soundtrack na paulit-ulit na naka-play sa utak ko. Di ako nasisiraan although in a sense, matagal na ako sira. Pero pucha habang tumatanda pala ang tao, lalo niyang nari-realize na magulo talaga ang mundo. Magulo buhay ng tao, magulo.... Tama si Robert Kiyosaki sa pagsasabing nasa rat race tayo. Kayod dito, kayod doon. Kailangan pare eh. Minsan tuloy naiisip kong para na nga akong nabubuhay para magtrabaho, imbes na nagtatrabaho ako para mabuhay. Naniniwala naman ako kay God. Hindi ako satanista. Alam kong mahal ako ng Diyos dahil maraming beses na niya akong natulungan at di pa naman Niya ako iniwan sa ere. Pero ewan ko ba, parang ngaung 2013 sunod-sunod na kamalasan ang dumarating (ika nga ng lyrics ng kanta ng Eheads) na minsan parang nanghihina ang pananampalataya ko. Minsan naman naiisip ko, eto marahil ang kabayaran ng mga kalokohan ko noong kabataan ko.

Stop. Rewind. Play ng Side A ng Nirvana's In Utero cassette.

Ang sarap tuloy sariwain noong panahong ako'y malaya pa (walang asawa) at nakakapagliwaliw ng walang kaproble-problema sa Quiapo. OO sa Quiapo, noong 90's ang Quiapo ay isang paraiso para sa'kin. Baket? Simple lang. Marami akong mga tropa noon. Malaya kaming naglalakad (at bike) sa Recto noon. Cassette tape pa noon ang koleksyon na iniingat-ingatan namin. Sari-saring malulupet na banda, mapa-foreign at mapa-lokal. Karamihan magagaling. Wala pang gaanong music piracy noon. Pati plaka 33 and one third ng dekada 60 at 70 lalo na ng The Beatles, hinahanap namin noon. Koleksyon. Masaya na ako noon. Pera lang ang problema.

Ano Ang Nasa Dako Pa RAON ?

Andaming mura sa Raon, ang mahiwagang kalye sa Quiapo. Kung anong dami ng pwedeng mabili, ganun naman kadelikado dahil sa mga nag-galang mga tirador sa Raon. Pero kung sanay ka na, at alam mo ang ibig kong sabihin, malamang alam mo na rin kung paano ang diskarte at ibayong pagiingat na gagawin pag nasa ganitong mga lugar. Iwasan ang mapormang japorms at kayabangan ay wag pairalin pag nasa Raon kung ayaw mong magulpi ng malupit at kung minamalas pa e magripuhan sa tagiliran. Kumilos lamang ng tama. Sa pangkalahatan naman, masarap pa ring mag-"shopping" dito. Marami pa rin namang mababaet at di plastik na tao dito kumpara mo sa------ sa Malakanyang.

No comments:

Post a Comment